Skip to content

Artist of the Decade pang Filipino

February 2, 2012
tags:

ImageAng Super Junior ay isang grupo na nabuo sa South Korea. Nakilala sila nuong taong 2005, mula sa grupo ng SM Entertainment, ang isa sa mga malaking entertainment companies sa Korea. Noong binuo nila ang grupo, may labing dalawang miyembro lang sila. Makaraan ang isang taon, naging labing tatlo na sila.

Sa buong mundo, may halos 13 milyong tao and humahanga sa kanila. Kung may maikukumpara ako sa kanila, masasabi ko na sila ang Backstreet Boys ng Asya, at ang modernong Boyz II Men, o Westlife, pero alam mo ba na may mas marami silang album kaysa sa mga ito? Maliban sa studio album, sila ay may compilation album, mga single, video album, guest single, live album , at soundtracks. Hindi lang mga “mini-album” ang mga inilabas nila, kung hindi “full album”. Ang isang album ay may higit sampung bagong kanta, at naging sikat sila noong 2009. Ang inilabas nilang album, ang “Sorry, Sorry“, ay naging popular hindi lang sa Korea, Taiwan, o Pilipinas, naging sikat rin ito sa Estados Unidos. Kahit na 2012 ngayon, makikikita pa rin natin ang kasikatan ng kanta nilang “Sorry, Sorry” sa ginawang promotional video ng mga taga-Xavier para sa school fair na Super. Dito sa Asya, marami silang ginagawang concert, kadalasan ay sa Tsina, Japan, Korea, Thailand, at maging sa Pilipinas. Base sa nababasa ko sa internet, wala pang kalahating oras, sold out na ang mga concert nila. Ang kanilang pinakabagong na kanta, ang “Mr. Simple“, ay nasa music charts ng Taiwan sa loob ng labing siyam na linggo, at nasa Top 1 ng Top 50 Hot Korean Songs ng Billboard Hot 100 ng 10 linggo.

Para sa akin, ang Super Junior ang dapat na Artist of the Decade. Hindi lamang sa Asya ang kanilang impluensya, kung hindi sa buong mundo. Hindi lang sila sikat, maganda pa ang kanilang mga kanta. Sigurado ako na sila ay karapat-dapat na manalo sa karangalang ito.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: