Skip to content

Mac laban sa PC

September 25, 2011
tags:

Noong bata ako, PC ang ginagamit namin sa bahay. Di naman sa PC, pero yung laptop na may Windows? Kung tama ang naaalala ko, dalawampu na Gigabytes lang ang laptop na nagamit ko. Pre-paid pa nga yung internet eh! Nakuha ko ang unang Mac ko dalawang taon na ang nakakaraan. Pero dahil sinabi ng mga tao sa Xavier School na bawal ang lumang model ng laptop, may bagong Mac nanaman ako sa itong taon. Ano kaya ang mas maganda? Ang PC o ang Mac?

Sa nakuha ko sa research ko, masasabi ko na ginagamit ng mga tao ang Mac ay para sa negosyo lamang. Malaking porsiyento ng mga tao ay ginagamit ang PC para sa paglaro ng mga games. Ang Mac ay hindi nagkakaroon ng mga virus, hindi katulad ng mga PC. Para sa mga laptops, puwede kang bumili ng mga lalagyan na may maraming kulay. Sa disenyo ng mga ibang laptops, hindi mo naman kailangan ng lalagyan.Sa mga tests na ginawa ng mga tao, mas mahaba daw ang buhay ng baterya kumpara sa baterya ng ibang laptop. Sa Mac, maraming applications na hindi bagay sa Windows, pero may mga applications sa Mac na pinapagana ang mga laro ng Windows sa Mac. Gumagana rin ang Windows sa Mac, pero hindi gagana ang Operating System ng Mac sa PC.

Kahit na marami ang pagkakaiba ng PC at Mac, marami rin ang pagkakapareho nila. Portatil ang mga laptop nila. May parenhong User Interface sila. Maraming klaseng applications ang gumagana sa dalawang ito. Kahit ano ang maiisipan mo, posible na mayroon ‘to sa PC at Mac.

Kahit na 85 na porsensyo ang gumagamit ng PC, at 7 na porsensyo lamang ang gumagamit ng Mac, ipinagmamalaki ko na kasama ako sa 7 na porsensyo ng buong mundo na gumagamit ng Mac. Kahit kailan ay hindi ako babalik sa PC dahil para sa akin, pinakamaganda at user-friendly and Mac.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: