Skip to content

Panitikan.ph

September 17, 2011
tags:

William Shakespeare. Sa larangan ng literatura, siya ay may malaking impluwensya sa buong mundo. Popular siya dahil sa mga ginawa niyang obra tulad ng Romeo and Juliet, Hamlet, at The Merchant of Venice. Kilala rin natin siya dahil malaki ang kontribusyon niya sa wikang Ingles. Halos 1,700 na bagong salita ang ibinigay niya sa wika. Isa rin siyang magaling na actor.

Boring ni Shakespeare? Mali. Hindi natin kailangan ‘to? Mali. Walang kwenta ang pag-aralan tungkol sa buhay niya? Mali. Mahalaga na alam natin tungkol kay Shakespeare! Tamad ka magsaliksik tungkol sa kanya? May panukala ako para sa iyo. Panoorin mo ang dulang “William” ni Ron Capinding, at mabibigay halaga mo ang ginawa niyang kontribusyon sa mundo natin.

Isang araw, may isang grupo ng estudyante ang na sa silid-aralan. Kinakausap ni TJ, ang basketbolista ng klase, si Sofia, ang kanyang girlfriend. Kinakabisado ni Estella ang kanyang mga homework para mapabilib niya ang kanyang guro. Nasa isang sulong lang si Erwin, magisa, at na sa tabi lang si Richard, may ginagawang paperwork dahil siya ang batch rep nila. Pagkapasok ng kanilang guro, si Bb. Martinez, nangumpisa na ang kanilang klase.

“Klase, mag-aaral tayo tungkol sa buhay ni Shakespeare. Kailangan niyong manaliksi tungkol sa buhay niya.” Sabi ni Bb. Martinez.

Nagulat ang mga kaklase. Naging maingay ang silid at sumigaw si Bb. Martinez.

“Kailangan ninyong gumawa ng isang talumpati mula sa isa sa mga gawa ni Shakespeare. Kailangan ninyo ito sa susunod na Lunes. Dismissed!”

Sa paglaon ng kwento, naging kaibigan sina Estella at Sofia. Naging mabuting kaibigan sina Richard, Erwin, at TJ.

Gaano katagal bago nangyari ito?

Kaya ba nilang gawin ang hamon ni Bb. Martinez?

 

Sa makikita natin sa bood, masasabi natin na ang tanging paraan na matapos nila ang proyekto nila ay kung may pagkaka-isa, o unity, at teamwork sila. Noong pinanood ko ang William, akala ko ay literal na dula ang ipanonood ko. Yung tipong may umaarte sa harap. Yun pala hindi. Maganda ang William dahil ginawa nilang napapanahon sa oras natin ngayon. Silang lahat ay nakakanta na nga, nag-rap na nga, sumasayaw pa nang sabay. Ginawa rin nilang nakakatawa ang mga artista, lalo na yung mga Bugoy. Parang silang “jejemon” at parati silang magpapatawa sa mga nanonood, sobrang corny rin ang mga jokes nila. Nakakatawa rin yung tatay kasi siya ang gumaganap bilang ang tatay nina TJ, Erwin, Estella, at Sofia. Para sa akin, ang pinakaimportanteng tauhan ay si TJ, dahil siya ang sanhi ng mga problema nina Erwin at Richard. Siya ang nanunukso kay Erwin, linagay pa niya ang pangalan nito sa mga kandidato ng mga presidente. Siya ang nagkalat sa buong eskwela na bakla si Richard, pero sa huli, nakita niya ang mali niya. Humingi siya ng tawad mula kay Richard at Erwin, at naging kaibigan silang lahat. May mensahe rin yung dulang ginawa nila. Kahit na bata o matanda ka, may matutuhan ka galing sa William. Makikita mo ang mga problema ng lipunan. Ang hamon ko sa inyong lahat ay hanapin ang mga aral mula sa dula, at igamit ang mga it sa buhay ninyo.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: