Skip to content

Ang Bunga nang Pagiging Sikat Final

August 15, 2011
tags:

Para sa mga normal na tao, mabilis lang ang pagiging sikat na basketbolista. Wala silang problema sa buhay, at ang ginagawa lang nila ay maglaro ng basketbol. napatunayan ko na ito’y mali. Ako ay si Patrick “The Reverse Flash” Ong, at ito ang istorya ko.

 

Bata pa lang ako ay kinukwento na sa akin ng aking nanay ang tungkol sa ginagawa niya sa hayskul. Sabi niya na siya’y miyembro ng koponan ng basketbol noon. Kinukwento niya sa akin tungkol sa mga liga na sinasalihan nila, ang mga iba’t-ibang paaralan na napuntahan niya, at ang mga taong nakikilala niya. Nagbigay ng inspirasyon ang mga sinabi niya, at pinangako ko sa sarili ko na magiging magaling at sikat na basketbolista din ako kagaya niya. Sinabi ko ‘to sa nanay ko at naging masaya siya.

 

Inilista ako ng nanay ko para sa pag-eensayo ng basketbol. Humanap kami ng magaling na coach, at nag-ensayo ako halos labing-walong oras bawat linggo. Naglalaro ako tuwing Lunes hanggang Sabado, at mga tatlong oras bawa’t araw. Mabagal akong matuto noon, pero sa huli, naging magaling rin ako. Pagdating ko sa mababang paaralan, nakapasok ako sa koponan ng basketbol. Sabi nga ni Coach na ako ang pinakagaling sa mga nag try-out. Sa hayskul naman, mas mahirap pero nakapasok pa rin ako. Mas magaling ang mga nag try-out at halos magkasing-galing lang kaming lahat. Sa mga susunod na taon, ang mga mas matandang miyembro ng aming kaponan ay nagtapos na at isa-isa silang umalis at pumunta sa kolehiyo hanggang sa ako’y naging senior. Ako ang naging MVP, o Most Valuable Player, sa mga kompetisyon sinalihan namin. Maganda na sana ang lahat, hanggang sa may nangyari sa akin na nagbago sa buong buhay ko.

 

“Oi! Mark! Ipasa mo yung bola sa akin!”, sigaw ko. Ipinasa sa akin ni Mark ang bola, at ida-drive ko sana ang bola sa loob. May nakabantay sa akin, dahil alam nila na kaya kong makapuntos sa ganuong paraan. Tumalon ako para sa dunk, pero sa gitna ng pagtalon ko, may humila sa akin pababa. Nasabit ang binti ko sa paa ng kalaban ko, at bumagsak ang tuhod ko sa konkreto. Tumunog ang aking tuhod, at may kakaibang sakit na pabalik at umaalis. Nag time-out ang reperi at dinala nila ako sa klinika. Hindi kayang gamutin ang tuhod ko ang mga doktor doon. Sabi nila na kailangan kong pumunta sa ospital.

 

Na-fracture daw ang aking tuhod. Mabagal ang proseso ng pag-galing nito at kahit na gumaling pa man ito, hindi na ako makakalaro ng basketbol. Sumakit ang puso ko sa mga salitang iyon. Mawawala na ang pangarap kong makasali ng NBA. Lahat ito’y nawala dahil sa naging over-confident ako sa mga kaya kong gawin. Kung hindi ko lang hiningi ang bola kay Mark, hindi na ‘to mangyayari. Tuloy, hindi na ako makakalakad nang mabuti. Tuwing naglalakad ako ay paika-ika. Dahil rin sa pinsalang nakuha ko, hindi na ako makakapagmodelo muli. Tuwing sa may libre akong oras, nagmomodelo kasi ako. Malungkot kong inisip ang mga ito, at umiyak na lang ako ng umiyak.

 

“Bilog ang mundo. Hindi mo alam kung ako ang mangyayari.” Totoong-totoo ang kasabihan na ito. Parang basketbol, ang mundo’y bilog. Baka sa ngayon, mabuti pa ang situwasyon, pero hindi natin alam ang mangyayari mamaya. Nalaman ko rin ay hindi dapat over-confident o sobra ang kumpiyansa sa sarili ang tao. May masamang ibubunga kapag ganito tayo. Kailangan natin nang mabuting puso, hindi makasarili, at huwag tayong magpahadlang sa mga masamang ugali. Bilog ang mundo, maging mabuting tao tayo at may magandang puso at kalooban.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: