Skip to content

Ang Bunga ng Pagiging Sikat (Draft)

August 11, 2011
tags:

Para sa mga normal na tao, mabilis lang ang pagiging sikat na basketbolista. Wala silang problema sa buhay, at ang ginagawa lang nila ay maglaro ng basketbol. Ipapatunay ko na ito’y mali. Ako ay si Patrick “The Reverse Flash” Ong, ito ang istorya ko.

 

Bata palang ako ay kinukwento na sa akin ng aking nanay ang tungkol sa ginagawa niya sa hayskul. Sabi niya na siya’y miyembro ng koponan ng basketbol noon. Kinukwento niya sa akin tungkol sa mga laro na nalaro niya, ang mga iba-ibang paaralan na napuntahan niya, at ang mga taong nakilala niya. Nagbigay ng inspirasyon ang mga sinabi niya, at pinangako ko sa sarili ko na mamaging magaling at masikat na basketbolista ako kapag naging matanda na ako. Sinabi ko ‘to sa nanay ko ay naging masaya siya.

 

Inilista ako ng nanay ko para sa pageensayo ng basketbol. Nakah anap kami magaling na coach, at nagensayo ako halos labing-walong oras bawat linggo. Naglalaro ako tuwing Lunas hanggang Sabado, at mga tatlong oras bawat araw. Mabagal ako magtuto noon, pero sa huli, naging magaling rin ako. Pagkarating ko sa mababang paaralan, nakapasok ako sa koponan ng basketbol. Sabi nga ni Coach na ako ang pinakagaling sa mga nagtry-out. Sa hayskul naman, mas mahirap pero nakapasok pa rin ako. Mas magaling ang mga nagtry-out at kasing-galing lang kaming lahat. Sa mga susunod na taon, ang mga mas matandang miyembro ng aming kaponan ay naggraduate na. Isa-isa silang umalis at pumunta sa kolehiyo hanggang sa ako’y naging senior. Ako ang naging MVP, o Most Valuable Player, sa mga kompetisyon na sinali namin. Mabuti na sana ang lahat, hanggang may nangyari sa akin na nagbago sa buong buhay ko.

 

“Oi! Mark! Ipasa mo yung bola sa akin!”, sinigaw ko. Ipinasa sa akin ni Mark ang bola, at mag-dradrive na sana ako papunta sa may hoop. May nakabantay sa akin, dahil alam nila na kaya kong makapuntos sa galing kong iyan. Tumalon ako para sa dunk, pero sa gitna ng pagtalon ko, may naghila sa akin pababa. Nasabit ang binti ko sa paa ng kalaban ko, at pumuslit ang tuhod ko sa konkreto. Tumunog ang aking tuhod, at may matulis na sakit na bumabalik at umaalis. Nagtime-out ang reperi at dinala nila ako sa klinika. Hindi kayang gamutin ang tuhod ko ang mga doktor diyan. Sabi nila na kailangan kong pumunta sa ospital.

 

Nagkafracture daw ang aking tuhod. Mabagal tong gumaling, at kahit na gumaling pa man ito, hindi na ako makakalaro ng basketbol. Sumakit ang puso ko sa mga salitang iyon. Mawawala na ang pangarap kong sumali ng NBA. Lahat ito’y nawala dahil naging over-confident ako sa mga kaya kong gawin. Kung hindi ko lang kinuha ang bola galing kay Mark, hindi na ‘to mangyayari. Tuloy, hindi na ako makakalakad nang mabuti. Tuwing naglalakad ako, mumukha akong leproso. Dahil rin sa pinsala ko, hindi na ako makakamodel ulit. Tuwing sa mga libre kong oras, nagmomodel kasi ako. Malungkot kong inisip ang mga ito, at umiyak nalang ako ng umiyak.

 

“Bilog ang mundo. Hindi mo alam kung ako ang mangyayari.” Totoong-totoo ang sabihan na ito. Parang basketbol, ang mundo’y bilog. Baka sa ngayon, mabuti pa ang situwasyon, pero masama na mamaya. Nalaman ko rin ay hindi dapat over-confident ang mga tao. May masamang mangyayari lang kung ganito tayo. Kailangan natin nang mabuting puso, para hindi tayong mahadlangan ng mga masamang ugali. Bilog ang mundo, wag maging masamang tao, at magandang puso lang ang kailangan natin.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: