Skip to content

Ang Mga Kakaibang Pagkain sa Pilipinas

October 18, 2011
tags:

Bilang isang batang naglalaro ng Tennis araw-araw, pinagmamalaki kong sabihin ko na  mahilig ako sa pagkain. Lalo na kung ito ay luto ito sa bahay, o kaya talagang tatak Pilipino ang mga ito. Mula Adobo, Balut, Kare-Kare, Lechon hanggang Tokwa’t Baboy, hindi ako makapili kung ano ang pinakasarap. Para sa akin, masarap ang lahat nang lutong Pilipino.

Sa lahat ng nakain ko, ang Adobo, Longganisa, Tocino, at Taho ang ilan sa masasabi ko na nakakaiba ang lasa. May mga kakaibang sangkap ang inilalagay  sa mga ito. Halimbawa, para sa Adobo, maraming suka, toyo, bawang at paminta ang linalagay dito. Mabango ito, at maaring baboy, manok, at baka ang gamitin. Ang Longganisa naman ay ang katumbas ng mga hotdog, sausage at weiners ng mga Amerikano at ng mga taga-Europa. Hindi mo siya masyadong malalasahan kaya ay nilalagyan ito ng suka. Ang Tocino ay ginawa mula sa baboy, at sinasawsawan sa suka. Ang taho naman ay may nilalamang tofu, arnibal, at sago. Sikat ito sa Pilipinas, at halos may makikita kang taho-vendor kahit saan ka man makarating.

Kahit na masarap ang pagkaing Pilipino, tinitikman ko rin ang mga fastfood na mayroon dito sa Pilipinas. Masasabi ko na masarap nga pakain galing sa McDonalds, KFC at iba pa, ngunit mas mura pa rin ang mga pagkaing Pilipino. Hindi rin maganda sa katawan ang mga nakukuha mula sa mga pagkain nila. May naaalala pa nga akong balita na iba-ibang klaseng karne ang nakahalo sa mga burgers nila. Hindi ko naman sinisiraan ang pangalan nila, pero mas mabuti para sa katawan ang mga pagkain na hinanda at niluto sa bahay.

Kumpara sa mga pagkain ng ibang bansa, ang pagkain natin ay may halo ng iba’t ibang kultura katulad ng Hispanic, Chinese, American, at ang mga ibang bansa sa Asya.

Sa panahon ngayon, mas maraming tao na ang bumibili galing sa mga fastfood. Hindi na natin napapasin ang kagandahan ng pagkaing Pinoy. Ang tanging panahon na sinusuportahan natin ang ating pagkain ay tuwing nagmamadali tayo sa kalye, o kaya wala tayong nakikitang McDo at iba pa. Sinasabi ko ito hindi dahil sa ayaw kong suportahan natin ang mga fastfood dito, pero dahil napapansin ko na nawawala ang kahalagahan ng mga lutong Pinoy dito sa ating bansa. Gusto ko lang na malaman ng mga tao na “We are what we eat.” Nakakatawa, pero totoo. Sinasabi nito na pinapakita natin sa ibang tao na Pinoy tayo kung pinapakita natin na sinusuportahan natin ang mga produkto, o pagkain natin. Hindi naman sa kailangan nating pagbawalan ang mga pagkain na galing sa ibang bansa, pero mas pinagmamalaki natin na pinakamasarap ang pagkaing Pilipino kung tayo mismo ang kumakain nito. Siyempre, ano pa ang ating pwedeng ipagmalaki, kung hindi ang nakakibang pagkain natin? Napansin ko nga at ng aking pamilya na kapag tayo ay nasa ibang bansa, sikat na sikat ang Chinese food,  Italian pasta,  Thai food, Indian curries, Persian food, Japanese sushi, American food, French Cuisine at ngayon na sikat na ring Korean Food. Natanong namin sa aming sarili na bakit kaya kokonti lamang ang mga sikat na Filipino Restaurants sa ibang bansa, kung mayroon man.

Ang mga pagkain ng isang bansa ay ipinapakita kung ano ang mayroon sa kultura nila. Inaamin ko na dahil sa impluensya ng mga bagong fastfood ngayon, kahit na nawawala ang aking interes at gana sa mga pagkaing Pinoy, maaari ko namang gustuhin ulit. Eh, ikaw?

http://en.wikipedia.org/wiki/Taho

http://www.philippinecountry.com/filipino_recipe/filipino_delicacy.html

http://en.wikipedia.org/wiki/Philippine_cuisine

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: